This is a good topic bro..iba ibang breed, iba iba ang ugali/temperament..so depende din tlaga sa gusto ng owner...dapat sa umpisa pa lang alam na natin kung ano ang mas gusto natin..I have this book I bought called Encyclopedia of dogs(Esther Verhoef - Verhallen), try ko ishare dto yung mga characteristics ng most popular breeds sa pinas. In the meantime here are some tips.
Tips
1. Sa pagbili ng aso, di dapat papadala sa tinatawag na bugso ng damdamin. Alamin kung ano ang breed at mga ugali ng aso. Tandaan natin na ang aso na bibilihin natin eh posibleng makasama natin for more than 10 years.
2. Consider first kung ano yung reason natin bakit natin gustong mag alaga ng aso, Is it our intention to train and show the dog o gusto lng tlaga natin ng family pet? Meron din iba na gusto ng hunting dog - eto eh yung may mga farm etc.
3. Dog or Bitch - May kaniya kaniya silang advantages at disadvantages..yung mga lalaking aso usually are more independent by nature and less gentle. Yung mga babae naman, kapag "heat" period na nila eh alam nyo na kung ano ang nangyayari
4. Older Dog or Puppy? - Majority sa atin will choose a puppy which is not surprising coz mas madali silang itrain(and cute).