|
Minsan, mahirap talaga para sa atin ang pagpili ng pangalan para sa ating alagang hayop, lalo na sa isang malaking pamilya kung saan ang lahat ay may kani-kaniyang gustong pangalan para sa alagang hayop. Para sa iba, pangkaraniwan na lamang ang mga pangalan gaya ng "tagpi", "patras", o kaya ay "spot" kaya naman nais nila ng bago at kakaibang pangalan para sa kanilang alagang aso, pusa at iba pang uri ng hayop. May mga ilang websites na makatulong sa atin sa pagpili ng pangalan para sa ating alagang hayop. Eto ang ilan sa kanila 1. http://www.bowwow.com.au Ang website na ito ay talagang dedicated lamang para sa mga taong naghahanap ng pangalan para sa kanilang alagang hayop. May ibat-ibang paraan ng paghahanap dito tulad ng; - Top 20 names
- Names of the month
- Suggestions mula sa mga visitor ng site
- Single Name Search
- Paired Name Search
- Alphabetical Search
Maari ka ring mag hanap ng pangalan sa mga kategorya gaya ng cartoons, pelikula, artista at iba pang pangalan ng mga sikat na tao . Kung nais mong maging masaya ang iyong paghahanap ng pangalan, gamitin mo ang website na ito. 2. World Wide Name Project Ang world wide pet names project ay mayroong mahabang listahan ng mga pangalan ng hayop na pinadala ng mga bisita ng website mula sa ibat-ibang panig ng mundo. Pwede ka rin magpadala ng sarili mong suhestiyon o ng paborito mong pangalan ng hayop. Dahiil sa " user-driven" ang website, Ang kanilang listahan ay lumaki ng halos mahigit sa 8,000 pangalan ng hayop. 3. Cat-Names.us Ang website na ito ay may malaking database ng higit sa 5000 na pangalan ng pusa. 4. Dog-Names.us Ang website na ito ay mayroong malaking database ng higit sa 6000 na pangalan ng aso. Nawa ay makatulong sa iyo ang mga websites na ito sa pagpili ng pangalan sa bago mong alagang hayop. Hanggang sa muli!!
|